“Kandelero na Yari sa Purong Ginto”
Sa unang silid ng tabernakulo na tinatawag na Banal, makikita ang “kandelero na yari sa purong ginto” na may pitong ilawan. Sa pangitaing nakita ni Moises sa Bundok Sinai, detalyadong sinabi ni Jehova sa kaniya kung paano gagawin ang kandelerong ito. (Exo 25:31-40; Bil 8:4) Sinabi kay Moises: “Ito ay dapat na isang buong piraso na may paanan, pinakakatawan, mga sanga, mga kalis, mga buko, at mga bulaklak.” Ang timbang ng kandelerong ito, kasama na ang mga ilawan at kagamitan para dito, ay dapat na isang talento, na katumbas ng 34.2 kg. Tuwing umaga, ihahanda ng isang saserdote ang mga ilawan—halimbawa, papalitan niya ang mitsa at sasalinan ito ng langis. Tuwing gabi, sisindihan niya ang mga ilawan para magsilbing liwanag sa Banal. (Exo 27:20, 21; 30:7, 8) Binanggit ni Pablo ang kandelero noong ikinukumpara niya ang lumang tipan at ang tabernakulo sa nakahihigit na bagong tipan at makalangit na “tunay na tolda.”—Heb 8:2, 5.
Kaugnay na (mga) Teksto: