Awit 150
Ang Tinapay Buhat sa Langit
1. Ama namin sa langit,
Ika’y Diyos na walang hanggan,
Kami’y nag-aawitan
Ng papuri sa iyong ngalan.
Pastol kang maibigin,
Tapat mong inakay
Sinauna mong bayan,
Mana ay ’binigay.
Naglaan ka ng tubig,
Bato ang siyang pinagmulan.
Inakay sa Canaan,
Busog at masayang kawan.
2. Ang manang pinakain,
Anak mo’y inilarawan;
Iniwan niya ang langit
Upang tao’y matulungan.
Siya’y tinapay sa langit;
Laman niya’y ’binigay
Handog ukol sa tao,
Upang may mabuhay.
Tayo ay bumahagi,
Diyos lamang ang nagbibigay;
Araw-araw kainin,
Sa ati’y dumadalisay.
3. Balita ng tinapay
Sa gutom di ililihim;
Gamiti’y panahon mo
Upang “tupa” ay pakanin.
Ang kapwa’y tutulungang
Katwira’y hanapin,
Upang ang kaligtasan
Ay kanilang kamtin.
Matapos ang tagumpay
Ng Armahedong digmaan,
Papuri’y aawitin,
Kagalaka’y walang hanggan.