SEKSIYON 1
Matutulungan Ka ng Diyos na Maging Handa sa Kaniyang Dakilang Araw
“Ang dakilang araw ni Jehova ay malapit na,” ang sabi ng propeta ng Diyos. (Zefanias 1:14) Mabilis na dumarating ang araw na iyon, kaya kailangang mamuhay tayo alinsunod dito. Alam mo bang may mahalagang mensahe sa iyo tungkol sa dakilang araw na iyon ang tinatawag na mga Pangalawahing Propeta? Tutulungan ka ng Kabanata 1 hanggang 3 ng aklat na ito na maging pamilyar sa 12 propetang iyon at sa mga tema ng kani-kanilang aklat. Sa gayon, makikinabang ka sa isinulat nila, anupat matututuhan ang mga aral na praktikal sa iyong buhay.