Awit 141
Hanapin ang mga Kaibigan ng Kapayapaan
Utos ni Kristo: ‘Ibalita ’to.’
Sa tag-init, sa kalsada,
Ang salita ni Jehova.
Mahal nga niya tupa ng kanyang Diyos.
Hinahanap
mula araw hanggang sa gabi.
Sa bawat pinto’t lansangan
Lahat binabahaginan,
Mawawala na ang mga problema.
(KORO)
Hanapin ang
kaibigan ng kapayapaan,
Hanapin ang
nakaayon sa kaligtasan,
Lahat ating
balitaan.
Apurahan ang ating panahon.
Milyong puso, milyong buhay,
Buong kaya ’binibigay,
Udyok ng pag-ibig sa kanila.
Pusong wasak hihilom,
at buhay gaganda.
Sa bawat bayan at lunsod,
’Pag may nasumpungang isa,
Kagalakan ay ating madarama.
(KORO)
Hanapin ang
kaibigan ng kapayapaan,
Hanapin ang
nakaayon sa kaligtasan,
Lahat ating
balitaan.
(Tingnan din ang Isa. 52:7; Mat. 28:19, 20; Luc 8:1; Roma 10:10.)