ARALINĀ 6
Ipakita ang Kahalagahan ng Teksto
Juan 10:33-36
KUNG ANO ANG GAGAWIN: Huwag basta basahin ang teksto at pumunta sa kasunod na punto. Tiyaking malinaw na makikita ng mga tagapakinig ang koneksiyon ng tekstong binabasa mo sa puntong pinalilitaw mo.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Itampok ang mahahalagang salita. Pagkatapos basahin ang isang teksto, idiin ang mga salitang may kaugnayan sa pangunahing punto. Magagawa mo ito kung uulitin mo ang mga salitang iyon o magtatanong ka sa mga tagapakinig para matukoy nila ang mahahalagang salita.
Idiin ang punto. Kung sinabi mo ang dahilan kung bakit mo babasahin ang isang teksto, pagkatapos itong basahin, ipaliwanag kung paano nauugnay sa dahilang iyon ang mahahalagang salita sa teksto.
Gawing simple ang pagpapaliwanag sa kahalagahan ng teksto. Iwasang magkomento sa mga detalyeng walang kaugnayan sa pangunahing punto. Isipin muna kung ano na ang alam ng mga tagapakinig tungkol sa paksa at saka magpasiya kung anong mga detalye ang kailangan para malinaw nilang maintindihan ang punto.