ARALIN 8
Mga Ilustrasyong Nakapagtuturo
Mateo 13:34, 35
KUNG ANO ANG GAGAWIN: Puwedeng maging mas epektibo ang pagtuturo mo kung gagamit ka ng simpleng mga ilustrasyon na makaaabot sa puso ng mga tagapakinig at makapagtuturo ng mahahalagang punto.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Pumili ng simpleng ilustrasyon. Gaya ni Jesus, gumamit ng maliliit na bagay para ipaliwanag ang malalaking bagay, at ng simpleng mga bagay para ipaliwanag ang komplikadong mga bagay. Huwag magdagdag ng mga detalyeng hindi kailangan at magpapalabo lang sa ilustrasyon. Tiyakin mong ang mga detalye ng ilustrasyon ay may kaugnayan sa aral na itinuturo mo, dahil malilito ang mga tagapakinig kung gagamit ka ng mga detalyeng walang kaugnayan sa paksa.
Isipin ang mga tagapakinig mo. Pumili ng ilustrasyong may kaugnayan sa mga ginagawa at interes ng mga tagapakinig. Tiyakin mong hindi sila mapapahiya o masasaktan sa ilustrasyong gagamitin mo.
Ituro ang pangunahing punto. Gumamit ng ilustrasyon para itampok ang pangunahing mga punto, hindi ang mga detalyeng di-gaanong mahalaga. Tiyakin mong hindi lang ang ilustrasyon ang matatandaan ng iyong tagapakinig, kundi pati ang puntong itinuturo nito.