GESUR
1. Isang kahariang Arameano na ang hanggahan ay ang pook ng Argob sa Basan, sa S ng Ilog Jordan. Ang kalapit nito sa gawing hilaga ay ang Maacat. Bagaman umabot hanggang sa Gesur ang panimulang pananakop ng Israel, ang pook na ito mismo ay hindi nakuha. (Deu 3:14; Jos 12:1, 4, 5; 13:13) Sa Gesur, na kaharian ng kaniyang lolong si Talmai sa panig ng ina, tumakas si Absalom pagkatapos paslangin ang kaniyang kapatid sa ama na si Amnon. Doon ay nanatili siya sa pagkatapon sa loob ng tatlong taon, hanggang ibalik siya sa Jerusalem ni Joab. (2Sa 3:2, 3; 13:28-38; 14:23; 15:8) Nang dakong huli ay kinuha ng Gesur at Sirya ang maraming Israelitang lunsod sa S ng Jordan.—1Cr 2:23.
2. Ang nasasakupan ng mga Gesurita sa timugang Palestina, malapit sa teritoryong Filisteo. (Jos 13:2; 1Sa 27:7-11) Hindi espesipikong ginamit ang anyong “Gesur” may kinalaman sa dakong ito.