HODIAS
[Ang Dangal ay si Jah].
1. Isang lalaki na napangasawa ang kapatid ng isang Naham. Ang pangalan ay lumilitaw sa talaangkanan ni Juda.—1Cr 4:1, 19.
2. Isang Levita na tumulong kay Ezra sa pagpapaliwanag ng kautusan ni Jehova sa kongregasyon ng Israel na nagkakatipon sa tapat ng Pintuang-daan ng Tubig sa liwasan ng Jerusalem, at maliwanag na isa rin sa mga nanawagan sa mga anak ni Israel na pagpalain si Jehova at ang Kaniyang maluwalhating pangalan at pagkatapos ay sinariwa sa kanilang alaala ang mga pakikitungo ng Diyos sa Kaniyang bayan. (Ne 8:1, 5, 7; 9:5) Maaaring ang Hodias na ito ay siya ring alinman sa Blg. 3 o 4.
3, 4. Ang pangalan ng dalawang Levita na ang mga inapo, kung hindi man sila mismo, ay nagpatotoo sa kontrata ng pagtatapat sa pamamagitan ng tatak noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias. Kung personal nilang ginawa ang pagtatatak, maaaring isa sa kanila ay ang Blg. 2.—Ne 9:38; 10:1, 9, 10, 13.
5. Isa sa “mga ulo ng bayan” na ang mga inapo, kung hindi man siya mismo, ay nagpatotoo sa kontrata ng pagtatapat noong mga araw ni Nehemias.—Ne 10:1, 14, 18.