JEHOIARIB
[Makipaglaban Nawa si Jehova; Ipinakipaglaban ni Jehova ang [Aming] Usapin sa Batas].
Ang saserdote na ang sambahayan sa panig ng ama ay pinili sa pamamagitan ng palabunutan bilang una sa 24 na pangkat ng mga saserdote na inorganisa noong panahon ng pamamahala ni David. (1Cr 24:1-3, 5-7) Ang ilan sa mga inapo ng sambahayang ito sa panig ng ama na nabuhay pagkaraan ng pagkatapon, o isa pang saserdote na may gayunding pangalan, ay nanirahan sa Jerusalem. (1Cr 9:3, 10) Ang pangalan ay binabaybay na Joiarib sa katulad na talaan sa Nehemias 11:10.