KARKA
[Sahig].
Isang lugar sa timugang hangganan ng Juda sa pagitan ng Addar (Blg. 2) at Azmon. (Jos 15:1-4) Hindi matiyak sa ngayon kung saan ang eksaktong lokasyon nito. Ipinapalagay ng ilang iskolar na ito ang matibay na tipunang-tubig na natuklasan sa pinagsasalubungan ng Wadi el-ʽAin at Wadi Umm Hashim, mga 4 na km (2.5 mi) sa STS ng Azmon (ʽAin el-Qeseimeh).—Tingnan ang KADES, KADES-BARNEA.