MESILEMOT
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “makipagpayapaan; magbayad; gumanti”].
1. Isang Efraimita na ang “anak” na si Berekias ay isa sa mga pangulo ng Efraim na humikayat sa mga Israelita noong mga araw ni Haring Peka na palayain ang mga bihag na kinuha ng mga ito sa isang matagumpay na kampanyang pangmilitar laban sa Juda.—2Cr 28:6-8, 12-15.
2. Isang saserdote na nagmula kay Imer at ninuno ng ilang saserdoteng naninirahan sa Jerusalem pagkabalik ng mga Judio mula sa pagkatapon sa Babilonya. (Ne 11:10, 13, 14) Malamang na siya rin ang Mesilemit ng 1 Cronica 9:12.