PASEA
[Pilay].
1. Isang inapo ni Juda sa linya ni “Kelub na kapatid ni Suha.”—1Cr 4:1, 11, 12.
2. Ninuno ng isang pamilya ng mga Netineo, ang ilan sa mga ito ay bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E.—Ezr 2:1, 2, 43, 49; Ne 7:51.
3. Ama ng Joiada na tumulong na magkumpuni ng Pintuang-daan ng Matandang Lunsod sa pader ng Jerusalem (455 B.C.E.).—Ne 3:6.