PEREZ-UZAH
[nangangahulugang “Galit Laban kay Uzah”].
Pangalang ibinigay sa giikan ni Nacon (Kidon) matapos na pabagsakin ni Jehova si Uzah dahil walang-pitagang hinawakan nito ang Kaban noong tangkain itong ilipat mula sa Kiriat-jearim tungo sa Lunsod ni David. (2Sa 6:4-10; 1Cr 13:6-11) Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng Perez-uzah.