POTIPERA
[mula sa Ehipsiyo, nangangahulugang “Siya na Ibinigay ni Ra”].
Biyenan ni Jose, na ang anak na si Asenat ang nagsilang kina Manases at Efraim. (Gen 41:45, 50; 46:20) Si Potipera ang saserdote, malamang ng diyos-araw na si Ra, na nanungkulan sa On, isang sentro ng Ehipsiyong pagsamba sa araw. Sa Cairo Museum ay may isang stela, isang haligi ng libingan, nakuha noong 1935, na doon ay may pangalang “Putipar.”—Annales du service des antiquités de lʼÉgypte, Cairo, 1939, Tomo XXXIX, p. 273-276.