SHAUL
[Itinanong [sa Diyos]; Isinangguni [sa Diyos]].
1. Ikaanim na binanggit na hari ng sinaunang Edom; kahalili ni Samla at hinalinhan ni Baal-hanan. Si Shaul ay mula sa “Rehobot sa tabi ng Ilog.”—Gen 36:31, 37, 38; 1Cr 1:48, 49.
2. Huling binanggit na anak ni Simeon, isinilang ng isang babaing Canaanita. (Gen 46:10; 1Cr 4:24) Si Shaul ang pinagmulan ng pamilya ng mga Shaulita na kabilang sa mga Simeonita.—Exo 6:15; Bil 26:12, 13.
3. Isang Levitang inapo ni Kohat.—1Cr 6:22-24.