TEOFILO
[Iniibig ng Diyos; Kaibigan ng Diyos].
Ang tao na pinatungkulan ni Lucas kapuwa ng kaniyang Ebanghelyo at ng Mga Gawa ng mga Apostol. (Luc 1:3, 4; Gaw 1:1) Ang pagtawag sa kaniya na “kagalang-galang” ay maaaring nagpapahiwatig ng isang uri ng mataas na posisyon, o maaaring ito ay isa lamang kapahayagan ng mataas na paggalang. Lumilitaw na si Teofilo ay isang Kristiyano, yamang bibigang tinuruan tungkol kay Jesu-Kristo at sa ministeryo nito. Ang nakasulat na kapahayagan ni Lucas ay nagsilbing katiyakan sa kaniya ng pagiging totoo ng kaniyang natutuhan nang bibigan noong una.