TUBAL-CAIN
Anak ni Lamec sa ikalawang asawa niya na si Zila; samakatuwid, isang inapo ni Cain at kapatid sa ama nina Jabal at Jubal. Mayroon siyang kapatid na babae na nagngangalang Naama. (Gen 4:17-22) Si Tubal-cain “ang panday ng bawat uri ng kasangkapang tanso at bakal,” na maaaring mangahulugang siya ang umimbento ng gayong mga kasangkapan o na siya ang nagpasimula o naging prominente sa hanapbuhay na iyon.