UZAL
1. Ang ikaanim na binanggit sa 13 anak ni Joktan; gayundin, ang tribo na nagmula sa kaniya. (Gen 10:26-29; 1Cr 1:21) Ayon sa tradisyong Arabe, ang Sanʽa (kabisera ng Republika ng Yemen) ay tinatawag noong sinaunang panahon na ʼAzal at nauugnay sa Uzal.
2. Isang lugar na binanggit kaugnay ng mga negosyante ng Tiro, sa Ezekiel 27:19. Ipinapalagay ng ilan na ito’y ang rehiyon ng Izalla, sa HS Sirya, malapit sa gawing itaas ng Ilog Tigris.