Sumusulong ang Programa sa Pagtatayo ng Kingdom Hall
1 Noong 1983 sa “Pagkakaisa ng Kaharian” na mga Pandistritong Kombensiyon sa Estados Unidos, ipinatalastas na isang pantanging pondo ang pasisimulan upang suportahan ang pagtatayo at pagkukumpuni ng mga Kingdom Hall sa buong Estados Unidos at Canada. Hindi natin sukat akalain kung anong mga pagpapala ang idudulot ng gayong maliit na pasimula. Nasimulan nating maranasan nang lalong lubusan ang Awit 92:4 na angkop na nagsasabi: “Sapagkat pinasaya mo ako, O Jehova, dahil sa iyong gawa; dahil sa mga gawa ng iyong mga kamay ay humihiyaw ako nang may kagalakan.”
2 Labis tayong nagsasaya ngayon sa kung ano ang naisasakatuparan. Sa ngayon, isang pinabilis na pangglobong programa sa pagtatayo ng Kingdom Hall ang nagaganap. Sa paanuman, lahat tayo ay may pribilehiyong makibahagi sa gawaing ito. Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng malalaki o maliliit na salaping kontribusyon upang tumulong na tustusan ang pagtatayo ng mas maraming dako ng pagsamba sa buong daigdig. Boluntaryo ring ipinagagamit ng maraming kapatid ang mga kagamitan nila at ginagamit din nila ang kanilang panahon, kakayahan, at mga kasanayan may kaugnayan sa gayong mga proyekto. Ang tagumpay ng buong kaayusang ito ay dahil sa patnubay, suporta, at mayamang pagpapala ni Jehova sa ating nagkakaisang pagsisikap.—Awit 127:1.
3 Tinularan ng maraming sangay ang parisang pinasimulan noong una sa mga kongregasyon sa Estados Unidos. Sa mga Kingdom Hall sa maraming lupain, may isang kahon kung saan inihuhulog ng mga mamamahayag ang kanilang mga kontribusyon para sa Kingdom Hall Fund. Sa edisyon ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Marso 1997 para sa Estados Unidos, ipinatalastas ang isang pagbabago sa programang ito. Sinasabi nito: “Mula nang pasimulan ang Society Kingdom Hall Fund noong 1983, saganang nagbigay ng kontribusyon ang mga kapatid, sa gayo’y naging posible na magpahiram ng salapi para sa pagtatayo ng Kingdom Hall. Mga 2,700 kongregasyon na sa bansang ito ang nakinabang na mula sa kaayusang ito. Maraming kongregasyon ang hindi sana nakapagtayo ng bagong mga Kingdom Hall o nakapagkumpuni ng mga kailangang ayusin kung hindi dahil dito. Mayroon ngayong mahigpit na pangangailangan na gamitin ang ilan sa iniabuloy na mga pondong ito upang makapagpahiram ng salapi sa mga kongregasyon sa mga bansang mahirap ang kabuhayan. Ang inyong patuloy na suporta sa kaayusang ito ay lubhang pinahahalagahan ng Samahan at ng mga kongregasyon na makikinabang mula sa inyong mga kontribusyon.”
4 Ang patalastas na iyon ay nagsilbing isang paanyaya na makibahagi sa pinabilis na programa sa pagtatayo ng Kingdom Hall. Ang Kingdom Hall Fund ay palalawakin upang matustusan din ang mga pangangailangan ng ating mga kapatid sa ibang mga lupain. Ganito ang sabi ng kasunod na artikulo sa isyu ng Agosto 1997 na edisyon ng Ating Ministeryo sa Kaharian para sa Estados Unidos: “May kasalukuyang pangangailangan para sa pagtatayo ng mga Kingdom Hall sa buong daigdig. Noon lamang nakalipas na taon ng paglilingkod, 3,288 bagong kongregasyon ang nabuo. Marami sa mga kongregasyong ito ang nasa Aprika, Asia, Sentral at Timog Amerika, at Silangang Europa.”
5 Ano ang naging resulta mula noong panahong iyon? Nag-ulat ang 2001 Yearbook: “Sa pamamagitan ng kaayusang ito, sa 30 bansa, 453 Kingdom Hall ang natapos na hanggang sa kasalukuyan, at karagdagan pang 727 gusali ang itinatayo. Pantanging pinagtutuunan ng pansin ang pagbuo ng pamantayang mga plano para sa mga Kingdom Hall ng bawat bansa na gumagamit ng lokal na mga materyales at pamamaraan sa pagtatayo. Sa Kenya, ginagamit ang tinibag na mga bato; sa Togo ay karaniwan na ang gumamit ng laryo; sa Cameroon ay popular ang mga bloke ng semento na pinapalitadahan sa dakong huli. Sa ganitong paraan, ang lokal na mga kapatid ay madaling magkaroon ng kasanayang kinakailangan upang magampanan nila ang mahahalagang papel sa pambansang programa.”
6 Ang patotoo ng pagpapala ni Jehova sa programang ito ay masusumpungan sa malaking kontinente ng Aprika. Habang tinitingnan ninyo ang mga larawan ng ilan sa mga Kingdom Hall na naitayo, gunigunihin ang naging epekto ng gayong pagtatayo sa gawain ng mga Saksi ni Jehova! Totoo ito sa tatlong magkakaibang larangan—ang pagkakaisa ng ating pambuong-daigdig na kapatiran, ang epekto sa lokal na komunidad, at ang pagdami ng dumadalo sa mga pulong ng kongregasyon. Bagaman itinatampok ng insert na ito ang mga Kingdom Hall na itinayo sa Aprika, pagtutuunan ng pansin ng susunod na mga edisyon ng Ating Ministeryo sa Kaharian kung paano sumusulong ang programa sa pagtatayo ng Kingdom Hall sa ibang bahagi ng daigdig.
[Mga Larawan sa pahina 3]
CENTRAL AFRICAN REPUBLIC
Bimbo, Bangui
Begoua, Bangui
[Mga Larawan sa pahina 4]
Ukonga, Tanzania
[Larawan sa pahina 4]
Accra, Ghana
[Larawan sa pahina 4]
Salala, Liberia
[Larawan sa pahina 4]
Allada, Benin—dating Kingdom Hall
Allada, Benin—bagong Kingdom Hall
[Larawan sa pahina 4]
Karoi, Zimbabwe
[Larawan sa pahina 5]
Kpeme, Togo
[Larawan sa pahina 5]
Sokodé, Togo
[Mga Larawan sa pahina 4, 5]
Fidjrosse, Benin
[Larawan sa pahina 6]
Lyenga, Zambia—dating Kingdom Hall
[Larawan sa pahina 6]
Lyenga, Zambia—bagong Kingdom Hall
[Larawan sa pahina 6]
Kinshasa, Congo
[Larawan sa pahina 6]
Musambira, Rwanda