KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EXODO 25-26
Ang Pinakamahalagang Bagay sa Tabernakulo
Ang Kaban ang pinakamahalagang bagay sa tabernakulo at sa kampo ng Israel. Ang ulap sa pagitan ng dalawang kerubin na nasa pantakip ng Kaban ay lumalarawan sa presensiya ng Diyos. Sa taunang Araw ng Pagbabayad-Sala, pumapasok ang mataas na saserdote sa Kabanal-banalan at pinapatulo ang dugo ng toro at kambing sa harap ng pantakip para ipagbayad-sala ang kasalanan ng Israel. (Lev 16:14, 15) Inilalarawan nito ang panahon nang pumasok ang mas dakilang Mataas na Saserdoteng si Jesus sa langit—ang mismong presensiya ni Jehova—para iharap ang halaga ng kaniyang haing pantubos.—Heb 9:24-26.
Pagtugmain ang mga teksto at ang mga pakinabang natin sa pantubos:
TEKSTO
PAKINABANG
pag-asang mabuhay nang walang hanggan
kapatawaran ng kasalanan
malinis na konsensiya
Ano ang dapat nating gawin para matanggap ang mga ito?