PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Nagsisikap Silang Maglingkod Para sa Atin
Mahal ng mga tagapangasiwa ng sirkito at ng asawa nila ang mga kapatid kaya nagsasakripisyo sila para sa mga ito. Gaya natin, may mga pangangailangan sila. At kung minsan, napapagod din sila, pinanghihinaan ng loob, at nag-aalala. (San 5:17) Pero kahit ganoon, ginagawa nila ang lahat para madalaw ang mga kongregasyon bawat linggo at mapatibay ang mga kapatid. Talagang “karapat-dapat sa dobleng karangalan” ang mga tagapangasiwa ng sirkito.—1Ti 5:17.
Noong pinaplano ni apostol Pablo na pumunta sa Roma “para makapagbahagi sa [kongregasyon] ng pagpapala mula sa Diyos,” gustong-gusto niyang “makapagpatibayan” sila ng mga kapatid. (Ro 1:11, 12) Naisip mo na ba kung paano mo mapapatibay ang tagapangasiwa ng sirkito at ang asawa niya, kung mayroon?
PANOORIN ANG VIDEO NA ANG BUHAY NG ISANG TAGAPANGASIWA NG SIRKITO NA NAGLILINGKOD SA PROBINSIYA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Anong mga sakripisyo ang ginagawa ng mga tagapangasiwa ng sirkito at ng asawa nila para sa kongregasyon?
Paano ka personal na nakinabang sa mga pagsisikap nila?
Paano natin sila mapapatibay?