-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Simon Pedro: Tingnan ang study note sa Mat 10:2.
ang Kristo: Tinukoy ni Pedro si Jesus bilang “ang Kristo” (sa Griego, ho Khri·stosʹ), isang titulo na katumbas ng “Mesiyas” (mula sa Hebreo na ma·shiʹach), na parehong nangangahulugang “Pinahiran.” Dito, ang titulong “Kristo” ay may kasamang tiyak na pantukoy sa Griego, maliwanag na para idiin ang katungkulan ni Jesus bilang ang Mesiyas.—Tingnan ang study note sa Mat 1:1; 2:4.
buháy na Diyos: Termino na ginamit para ipakitang si Jehova ay buháy at aktibo, kabaligtaran ng walang-buhay na mga diyos ng mga bansa (Gaw 14:15), gaya ng mga diyos na sinasamba sa rehiyon ng Cesarea Filipos (Mat 16:13). Lumilitaw rin ang terminong ito sa Hebreong Kasulatan.—Deu 5:26; Jer 10:10.
-