-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sa kaniyang kanan . . . sa kaniyang kaliwa: Sa ilang konteksto, ang mga posisyong ito ay parehong nagpapahiwatig ng karangalan at awtoridad (Mat 20:21, 23), pero laging nasa kanan ang may pinakamalaking karangalan (Aw 110:1; Gaw 7:55, 56; Ro 8:34). Pero dito at sa Mat 25:34, 41, may malinaw na pagkakaiba ang dalawang puwestong ito: ang mga nasa kanan ay sinasang-ayunan ng Hari, at ang mga nasa kaliwa naman ay hindi niya sinasang-ayunan.—Ihambing ang Ec 10:2, tlb.
mga kambing: Kahit na ang tinutukoy rito ni Jesus ay ang mga hindi sumusuporta sa mga espirituwal na kapatid niya, hindi niya ginamit ang “mga kambing” sa ilustrasyong ito dahil sa ilang pangit na katangian ng mga ito. Totoo na mas mapagsarili ang mga kambing, at kung minsan, mas matigas ang ulo nila kumpara sa mga tupa, pero malinis na hayop ang mga ito ayon sa Kautusan at puwedeng gamitin kapalit ng tupa sa hapunan ng Paskuwa. (Exo 12:5; Deu 14:4) Sinasabi rin sa Kautusang Mosaiko na dugo ng kambing ang dapat gamitin sa taunang Araw ng Pagbabayad-Sala para mabayaran ang kasalanan ng Israel. (Lev 16:7-27) Lumilitaw na ginamit lang ni Jesus ang kambing para kumatawan sa isang uri ng mga tao at ang mga tupa naman sa isa pang uri.—Mat 25:32.
-