-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Pilato, ang gobernador: Ang Romanong gobernador (prepekto) ng Judea na iniluklok ni Emperador Tiberio noong 26 C.E. Namahala siya nang mga 10 taon. Si Pilato ay binanggit ng sekular na mga manunulat, gaya ng Romanong istoryador na si Tacitus. Isinulat nitong ipinag-utos ni Pilato ang pagpatay kay Kristo sa panahon ng pamamahala ni Tiberio. Isang inskripsiyong Latin na may pananalitang “Poncio Pilato, Prepekto ng Judea” ang natagpuan sa sinaunang teatrong Romano sa Cesarea, Israel.—Tingnan ang Ap. B10 para sa teritoryong sakop ni Poncio Pilato.
-