-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pinagbawalang sabihin sa iba ang tungkol sa kaniya: Sa ibang salita, pinagbawalan niya silang sabihin sa iba kung sino siya. Alam ng masasamang espiritu na si Jesus ang “Anak ng Diyos,” at iyan ang tawag nila sa kaniya (tal. 11), pero ayaw ni Jesus na magpatotoo ang mga demonyo tungkol sa kaniya. Sila ay mga itinakwil, rebelde, napopoot sa kabanalan, at mga kaaway ng Diyos. (Tingnan ang study note sa Mar 1:25.) Gayundin, nang may “isang demonyo ng panghuhula” na kumontrol sa isang babae para tukuyin sina Pablo at Silas bilang “mga alipin ng Kataas-taasang Diyos” at tagapaghayag ng “daan ng kaligtasan,” pinalayas ni Pablo ang espiritung iyon mula sa babae.—Gaw 16:16-18.
-