-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
marumi ang kamay, ibig sabihin, hindi nahugasan: Makakatulong ang paliwanag ni Marcos dito at sa talata 3 at 4 sa mga mambabasang di-pamilyar sa ekspresyong “marumi ang kamay” o sa kaugalian ng mga Judio sa paghuhugas ng kamay. (Tingnan ang “Introduksiyon sa Marcos.”) Ang kaugaliang ito ay tumutukoy sa paglilinis sa seremonyal na paraan bilang pagsunod sa tradisyon at hindi para sa kalinisan. Nang maglaon, sinabi sa Babilonyong Talmud (Sotah 4b) na ang hindi paghuhugas ng kamay bago kumain ay kasimbigat ng pakikipagtalik sa babaeng bayaran. Sinabi pa nito na ang mga nagwawalang-bahala sa paghuhugas ng kamay ay “bubunutin mula sa sanlibutan.”
-