-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
patuloy kayong magbantay: Ang terminong Griego ay literal na nangangahulugang “manatiling gisíng,” pero sa maraming konteksto, ang ibig sabihin nito ay “magbantay; maging alisto.” Ginamit din ni Marcos ang terminong ito sa Mar 13:34, 37; 14:34, 37, 38.—Tingnan ang study note sa Mat 24:42; 26:38; Mar 14:34.
gabi: Sa talatang ito, binanggit ang apat na yugto ng pagbabantay sa gabi na mga tigtatatlong oras, mula 6:00 n.g. hanggang 6:00 n.u., ayon sa sistema ng mga Griego at Romano ng paghahati-hati ng gabi. (Tingnan din ang sumusunod na mga study note sa talatang ito.) Hinahati noon ng mga Hebreo ang gabi sa tatlong yugto na may mga tig-aapat na oras (Exo 14:24; Huk 7:19), pero nang panahon ni Jesus, sinusunod na nila ang sistemang Romano. Ang ekspresyong “gabi” sa talatang ito ay tumutukoy sa unang yugto ng pagbabantay sa gabi, na mula paglubog ng araw hanggang mga 9:00 n.g.—Tingnan ang study note sa Mat 14:25.
hatinggabi: Tumutukoy sa ikalawang yugto ng pagbabantay sa gabi ayon sa sistemang Griego at Romano, na mga 9:00 n.g. hanggang hatinggabi.—Tingnan ang study note sa gabi sa talatang ito.
bago magbukang-liwayway: Lit., “o sa pagtilaok ng tandang.” Sa sistemang Griego at Romano, ito ang tawag sa ikatlong yugto ng pagbabantay sa gabi, na mula hatinggabi hanggang mga 3:00 n.u. (Tingnan ang naunang mga study note sa talatang ito.) Posibleng sa oras na ito “tumilaok ang tandang.” (Mar 14:72) Noon pa man, ang pagtilaok ng tandang ay karaniwan nang ginagamit na palatandaan ng oras sa mga lupain sa silangan ng Mediteraneo.—Tingnan ang study note sa Mat 26:34; Mar 14:30, 72.
umaga: Tumutukoy sa ikaapat na yugto ng pagbabantay sa gabi ayon sa sistemang Griego at Romano, na bandang 3:00 n.u. hanggang pagsikat ng araw.—Tingnan ang naunang mga study note sa talatang ito.
-