-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nang unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa: Ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa ay nagsisimula nang Nisan 15, ang araw pagkatapos ng Paskuwa (Nisan 14), at umaabot ito nang pitong araw. (Tingnan ang Ap. B15.) Pero noong panahon ni Jesus, masyado nang napag-ugnay ang Paskuwa at ang kapistahang ito kaya ang buong walong araw, kasama ang Nisan 14, ay tinutukoy kung minsan na “Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa.” (Luc 22:1) Ang araw na tinutukoy sa tekstong ito ay Nisan 14 dahil sinasabing ito ang araw kung kailan kaugalian nilang ihandog ang hain para sa Paskuwa. (Exo 12:6, 15, 17, 18; Lev 23:5; Deu 16:1-8) Ang nakaulat sa talata 12-16 ay malamang na nangyari noong hapon ng Nisan 13 bilang paghahanda para sa Paskuwa, na ipinagdiriwang “pagsapit ng gabi,” ang pasimula ng Nisan 14.—Mar 14:17, 18; tingnan ang Ap. B12 at study note sa Mat 26:17.
-