-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang panganay: Ipinapakita ng ekspresyong ito na nagkaroon pa si Maria ng ibang mga anak.—Mat 13:55, 56; Mar 6:3.
sabsaban: Ang salitang Griego na phatʹne, na isinaling “sabsaban,” ay nangangahulugang “pakainan.” Puwede itong tumukoy sa kinakainan ng mga hayop, pero ang salitang Griego na phatʹne ay puwede ring tumukoy sa kuwadra ng mga hayop. (Ihambing ang Luc 13:15, kung saan isinalin itong “kuwadra.”) Sa kontekstong ito, maliwanag na tumutukoy ang sabsaban sa kinakainan ng mga hayop, pero hindi sinasabi ng Bibliya kung ito ay nasa labas ng gusali o nasa loob o kung konektado ito sa isang kuwadra.
matuluyan: Ang salitang Griego ay puwede ring isaling “silid para sa bisita,” gaya sa Mar 14:14 at Luc 22:11.
-