-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ipinaalám sa atin ni Jehova: Mga anghel ang nagdala ng mensahe, pero alam ng mga pastol na galing talaga ito sa Diyos na Jehova. Sa Septuagint, ang pandiwang Griego na isinalin ditong “ipinaalám” ay ipinanunumbas sa pandiwang Hebreo na ginagamit sa mga konteksto kung saan sinasabi ni Jehova sa mga tao ang kalooban niya o gustong malaman ng mga tao ang kalooban niya. Sa mga tekstong iyon, madalas gamitin ang Tetragrammaton sa orihinal na tekstong Hebreo. (Aw 25:4; 39:4; 98:2; 103:6, 7) Kaya makatuwiran lang na gamitin ang pangalan ng Diyos sa pagsasalin ng sinabi ng mga Judiong pastol.—Tingnan ang study note sa Luc 1:6 at Ap. C1 at introduksiyon sa Ap. C3; Luc 2:15.
-