-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mag-aalis ng talukbong mula sa mga bansa: O “gagawa ng pagsisiwalat sa mga bansa.” Ang terminong Griego na a·po·kaʹly·psis, na isinaling “mag-aalis ng talukbong,” ay nagpapahiwatig ng “pagsisiwalat” o “paglalantad,” at madalas itong gamitin para tumukoy sa pagsisiwalat ng espirituwal na mga bagay o ng kalooban at layunin ng Diyos. (Ro 16:25; Efe 3:3; Apo 1:1) Tinawag ng may-edad nang si Simeon ang batang si Jesus na liwanag, at ipinakita niya na makikinabang din sa espirituwal na liwanag na iyon ang mga bansang di-Judio, hindi lang ang likas na mga Judio at proselita. Ang makahulang pananalita ni Simeon ay kaayon ng mga hula sa Hebreong Kasulatan, gaya ng mababasa sa Isa 42:6 at 49:6.
-