-
Lucas 2:36Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
36 At naroon nga si Ana na isang propetisa, na anak na babae ni Fanuel, mula sa tribo ni Aser (ang babaing ito ay matanda na sa mga taon, at namuhay na kasama ng kaniyang asawa sa loob ng pitong taon mula sa kaniyang pagkadalaga,
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Ana: Griego ng pangalang Hebreo na Hana, na nangangahulugang “Lingap; Kagandahang-Loob.” Nagsilbi siyang propetisa nang magsalita siya tungkol sa batang si Jesus sa lahat ng naghihintay sa pagliligtas sa Jerusalem. Ang terminong “panghuhula” ay pangunahin nang nangangahulugang paghahayag ng mensahe mula sa Diyos, ang pagsisiwalat ng kalooban niya.—Tingnan ang study note sa Gaw 2:17.
-