-
Lucas 4:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Kaya dinala niya siya sa itaas at ipinakita sa kaniya ang lahat ng mga kaharian ng tinatahanang lupa sa isang saglit ng panahon;
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Kaya dinala niya siya sa mataas na lugar: Sa kaparehong ulat sa Mat 4:8, idinagdag ang detalye na dinala ng Diyablo si Jesus sa “isang napakataas na bundok.” Magkaiba ang pagkakasunod-sunod ng mga tukso sa ulat ni Lucas at ni Mateo, pero lumilitaw na ang pagkakasunod-sunod sa ulat ni Mateo ang tama. (Mat 4:1-11) Makatuwirang isipin na ang unang dalawang tukso ay ang mga tuksong sinimulan ni Satanas sa tusong pananalita na “kung ikaw ay anak ng Diyos” at ang huling tukso niya ay ang tahasang paghamon na suwayin ang una sa Sampung Utos. (Exo 20:2, 3) Makatuwiran ding isipin na sinabi ni Jesus na “Lumayas ka, Satanas!” pagkatapos ng huli sa tatlong tukso. (Mat 4:10) At kahit hindi ito sinusuportahan ng matitibay na ebidensiya, napansin din ng mga iskolar na sa ulat sa Mat 4:5, nagsimula ang ikalawang tukso sa salitang Griego na isinasaling “pagkatapos.” Kung ikukumpara sa “kaya” na ginamit ni Lucas sa Luc 4:5, ang paggamit ni Mateo ng “pagkatapos” ay mas nagpapakita na iniulat niya ang mga tukso ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Totoo na “lohikal” ang pagkakasunod-sunod ng ulat ni Lucas, pero hindi ito laging ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.—Tingnan ang study note sa Luc 1:3.
ipinakita sa kaniya: Tingnan ang study note sa Mat 4:8.
kaharian: Tingnan ang study note sa Mat 4:8.
-