-
Juan 1:50Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
50 Kaya sinabi ni Jesus: “Nananampalataya ka ba dahil sinabi ko sa iyo na nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Higit pa rito ang makikita mo.”
-
-
Juan 1:50Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
50 Bilang sagot ay sinabi ni Jesus sa kaniya: “Dahil ba sa sinabi ko sa iyo na nakita kita sa ilalim ng puno ng igos ay naniniwala ka? Makakakita ka ng mga bagay na mas dakila kaysa sa mga ito.”
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Higit pa rito ang makikita mo: Nakita agad ni Natanael na natupad ang sinabing ito ni Jesus. Sa isang kasalan sa sarili niyang bayan, sa Cana ng Galilea, nasaksihan ni Natanael ang unang himala ni Jesus nang gawin niyang mainam na alak ang tubig. (Ju 2:1-11; 21:2) Kasama ng 11 alagad na naging mga apostol, nakita ni Natanael si Jesus na nagpagaling ng mga maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, at bumuhay pa nga ng mga patay. Pero hindi lang nila nakita ang mga bagay na ito. Si Natanael at ang ibang apostol ay binigyan din ng kapangyarihang gumawa ng himala at makibahagi sa paghahayag ng mensahe na “ang Kaharian ng langit ay malapit na.”—Mat 10:1-8.
-