-
Juan 4:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Pero kinailangan niyang dumaan sa Samaria.
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Samaria: Noong panahon ni Jesus, Samaria ang pangalan ng Romanong distrito na dinadaanan ni Jesus paminsan-minsan. Nang maglaon, ipinangaral doon ng mga alagad niya ang Kristiyanismo. Hindi alam ang eksaktong hangganan nito ngayon, pero nasa pagitan ito ng Galilea sa hilaga at Judea sa timog; at mula sa Ilog Jordan pakanluran, umaabot ito hanggang sa baybayin ng Dagat Mediteraneo. Ang malaking bahagi ng distrito ay dating teritoryo ng tribo ng Efraim at kalahati ng teritoryo ng tribo ng Manases (kanluran ng Jordan). Kahit dumadaan si Jesus paminsan-minsan sa Samaria papunta at paalis sa Jerusalem (Ju 4:3-6; Luc 9:51, 52; 17:11), sinabihan niya ang mga apostol na huwag mangaral sa anumang lunsod ng mga Samaritano dahil ang pangunahin nilang atas ay hanapin ang “nawawalang mga tupa ng sambahayan ng Israel,” ang mga Judio (Mat 10:5, 6). Pero hindi nagtagal ang pagbabawal na ito. Bago umakyat si Jesus sa langit, sinabi niya sa mga alagad niya na dapat nilang ipangaral sa “Samaria” ang mabuting balita “hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.” (Gaw 1:8, 9) Nang pag-usigin ang mga alagad sa Jerusalem, ang ilan sa kanila, partikular na si Felipe, ay nangaral ng mabuting balita sa buong Samaria. Pagkatapos, isinugo sina Pedro at Juan sa Samaria para tumanggap ng banal na espiritu ang mga Samaritano.—Gaw 8:1-17, 25; 9:31; 15:3.
-