-
Juan 5:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Pagkatapos nito, nakita siya ni Jesus sa templo at sinabi sa kaniya: “Magaling ka na. Huwag ka nang gumawa muli ng kasalanan para walang mas masamang mangyari sa iyo.”
-
-
Juan 5:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo at sinabi sa kaniya: “Tingnan mo, bumuti na ang iyong kalusugan. Huwag ka nang magkasala pang muli, upang walang anumang lalong masama ang mangyari sa iyo.”
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Huwag ka nang gumawa muli ng kasalanan: Hindi sinasabi ni Jesus na nagkasakit ang lalaki dahil sa kasalanang nagawa nito. Ang lalaking pinagaling niya ay 38 taon nang may sakit dahil sa minana nitong di-kasakdalan, o pagiging di-perpekto. (Ju 5:5-9; ihambing ang Ju 9:1-3.) Pero ngayong pinagpakitaan na siya ng awa at pinagaling, sinabihan siya ni Jesus na umiwas sa sadyang paggawa ng kasalanan para maligtas siya at walang mangyari sa kaniya na mas masama pa sa pagkakasakit, ang mapuksa magpakailanman.—Heb 10:26, 27.
-