-
Juan 7:49Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
49 Ang mga taong ito na nakikinig kay Jesus ay walang alam sa Kautusan at mga isinumpa.”
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga isinumpa: Mababa ang tingin ng mayayabang at mapagmatuwid na mga Pariseo at Judiong lider sa karaniwang mga tao na nakikinig kay Jesus, at tinatawag nila ang mga ito na “isinumpa.” Mapanghamak ang salitang Griego na ginamit dito, e·paʹra·tos, na nagpapahiwatig ng pagiging isinumpa ng Diyos. Ginagamit din ng mga Judiong lider ng relihiyon ang terminong Hebreo na ʽam ha·ʼaʹrets, o “mga tao ng lupain,” para hamakin ang karaniwang mga tao. Noong una, magalang na termino ito para sa lahat ng taong nakatira sa isang espesipikong lugar, mahirap man sila o prominente. (Gen 23:7; 2Ha 23:35; Eze 22:29) Pero noong panahon ni Jesus, ginagamit na ang terminong ito para sa mga taong itinuturing na walang alam sa Kautusang Mosaiko o hindi sumusunod sa pinakamaliliit na detalye ng tradisyon ng mga rabbi. Makikita ang ganiyang saloobin sa mga akda ng mga rabbi. Mababa ang tingin ng mga lider ng relihiyon sa karaniwang mga tao, kaya ayaw nilang kumaing kasama nila, bumili sa kanila, o makisalamuha sa kanila.
-