-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
dumura: Tatlong beses na mababasa sa Bibliya na ginamit ni Jesus ang laway niya para magpagaling. (Mar 7:31-37; 8:22-26; Ju 9:1-7) Marami ang naniniwala noon na nakakapagpagaling ang laway ng tao, pero ang mga himalang nagawa ni Jesus ay dahil sa kapangyarihan ng espiritu ng Diyos. Kaya hindi talaga laway niya ang nagpagaling sa mga tao. Sinabi niya sa lalaking ipinanganak na bulag bago ito nakakita: “Pumunta ka sa imbakan ng tubig ng Siloam . . . at maghilamos ka roon.” (Ju 9:7) Siguradong sinabi ito ni Jesus para mapatunayan ng lalaki ang pananampalataya niya, kung paanong kailangang maligo ni Naaman sa Ilog Jordan bago siya mapagaling sa ketong.—2Ha 5:10-14.
-