-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Dinala muna nila si Jesus kay Anas: Si Juan lang ang bumanggit na dinala si Jesus kay Anas, na itinalagang mataas na saserdote noong mga 6 o 7 C.E. ng Romanong gobernador ng Sirya na si Quirinio. Naglingkod si Anas hanggang mga 15 C.E. Kahit noong inalis na siya ng mga Romano bilang mataas na saserdote, lumilitaw na naging makapangyarihan at maimpluwensiya pa rin siya dahil sa pagiging mataas na saserdote niya noon at pinapakinggan pa rin siya ng mga prominenteng Judio. Lima sa mga anak niyang lalaki ang naglingkod bilang mataas na saserdote, at ang manugang niyang si Caifas ay naging mataas na saserdote mula mga 18 C.E. hanggang mga 36 C.E., kaya saklaw nito ang taóng iyon, 33 C.E., ang taon kung kailan pinatay si Jesus.—Tingnan ang study note sa Luc 3:2.
-