-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Ang Kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito: Hindi direktang sinagot ni Jesus ang tanong ni Pilato na “Ano ba ang ginawa mo?” (Ju 18:35) Nagpokus siya sa unang tanong ni Pilato, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” (Ju 18:33) Sa maikling sagot ni Jesus, tatlong beses niyang binanggit ang Kaharian kung saan siya aatasan bilang Hari. Sinabi niyang “hindi bahagi ng sanlibutang ito” ang Kaharian niya para linawin na hindi galing sa tao ang Kahariang iyon. Kaayon ito ng naunang mga pagtukoy sa Kahariang iyon, gaya ng “Kaharian ng langit” o “Kaharian ng Diyos.” (Mat 3:2; Mar 1:15) Sinabi rin ni Jesus na ang mga alagad niya ay “hindi . . . bahagi ng sanlibutan,” na tumutukoy sa di-matuwid na lipunan ng tao na hiwalay sa Diyos at sa mga lingkod niya. (Ju 17:14, 16) Makikita rin sa sinabi ni Jesus kay Pedro nang gabing iyon na hindi dapat makipaglaban ang mga tagasunod niya para ipagtanggol siya gaya ng gagawin ng mga tagasuporta ng isang taong hari.—Mat 26:51, 52; Ju 18:11.
-