-
Gawa 6:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 At habang nakatingin sa kaniya ang lahat ng nakaupo sa Sanedrin, nakita nilang parang anghel ang mukha niya.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
parang anghel ang mukha niya: Ang mga terminong Hebreo at Griego na parehong isinasaling “anghel” ay nangangahulugang “mensahero.” (Tingnan ang study note sa Ju 1:51.) Dahil ang dalang mensahe ng mga anghel ay mula sa Diyos, kalmado sila at hindi natatakot. Alam kasi nila na sinusuportahan sila ng Diyos. Kaya ang mukha ni Esteban ay parang sa isang mensahero ng Diyos. Wala itong bakas ng pag-aalala. Kalmado siya, at makikita sa hitsura niya na nagtitiwala siyang tutulungan siya ni Jehova, “ang maluwalhating Diyos.”—Gaw 7:2.
-