-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nagsumamo siya: “Panginoong Jesus”: Gaya ng binanggit sa talata 55 at 56, nakita ni Esteban sa isang pangitain na “bukás ang langit at nakatayo sa kanan ng Diyos ang Anak ng tao.” Kaya maliwanag na alam ni Esteban na magkaiba si Jehova at si Jesus. Alam ni Esteban na binigyan ni Jehova si Jesus ng kapangyarihang bumuhay-muli. Kaya hindi na nakakapagtaka na kinausap ni Esteban si Jesus, na nakita niya sa pangitain, para hilinging ingatan ang “buhay” niya. (Ju 5:27-29) Tinawag ni Esteban si Jesus na “Panginoong Jesus [sa Griego, Kyʹri·e I·e·souʹ].” Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, pero dito, maliwanag sa konteksto na ang Kyʹri·os ay tumutukoy kay Jesus. Ang salitang Griego na isinalin ditong “nagsumamo siya” ay iba sa salitang karaniwang ginagamit para sa “nanalangin” sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Pero ang salitang ito ay isinaling “nanalangin” sa maraming Bibliya, kaya nagmumukhang nanalangin si Esteban kay Jesus. Gayunman, sinasabi ng maaasahang mga reperensiya na ang salitang Griego na ginamit dito (e·pi·ka·leʹo) ay nangangahulugang “tumawag; magsumamo; umapela sa awtoridad,” at madalas itong isalin sa ganitong paraan. (Gaw 2:21; 9:14; Ro 10:13; 2Ti 2:22) Ito rin ang salitang ginamit sa pagsasalin sa sinabi ni Pablo: “Umaapela ako kay Cesar!” (Gaw 25:11) Kaya hindi makatuwirang isipin na nanalangin si Esteban kay Jesus. Nagsumamo lang siya kay Jesus dahil nakita niya ito sa pangitain.—Tingnan ang study note sa Gaw 7:60.
-