-
Gawa 10:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Pagdating ni Pedro, sinalubong siya ni Cornelio; lumuhod ito at yumukod sa kaniya.
-
-
Gawa 10:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Pagpasok ni Pedro, sinalubong siya ni Cornelio, sumubsob sa kaniyang paanan at nangayupapa sa kaniya.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
yumukod sa kaniya: O “nagpatirapa sa kaniya; nagbigay-galang sa kaniya.” Noong nasa lupa si Jesus, yumukod sa kaniya ang mga tao. (Luc 5:12; Ju 9:38) Hindi sila sinaway ni Jesus, dahil siya ang tagapagmana ng trono ni David at karapat-dapat lang siyang parangalan bilang hari. (Mat 21:9; Ju 12:13-15) Gayundin, sa Hebreong Kasulatan, yumuyukod ang mga tao sa harap ng mga propeta, hari, o iba pang kinatawan ng Diyos, at hindi sila sinasaway ng mga ito. (1Sa 25:23, 24; 2Sa 14:4-7; 1Ha 1:16; 2Ha 4:36, 37) Pero nang yumukod si Cornelio kay Pedro para parangalan siya, hindi iyon tinanggap ni Pedro at sinabi niya: “Tumayo ka; tao lang din ako.” (Gaw 10:26) Maliwanag, binago ng turo ni Kristo ang paraan ng pakikitungo ng mga lingkod ng Diyos sa isa’t isa. Itinuro ni Jesus sa mga alagad: “Iisa ang inyong Guro, at lahat kayo ay magkakapatid. . . . Iisa ang inyong Lider, ang Kristo.”—Mat 23:8-12.
-