-
Gawa 13:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Tinitigan siya ni Saul, na tinatawag ding Pablo, na napuspos ng banal na espiritu;
-
-
Gawa 13:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Si Saul, na siya ring si Pablo, nang mapuspos ng banal na espiritu, ay tuminging mabuti sa kaniya
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Saul, na tinatawag ding Pablo: Mula sa pagkakataong ito, tinawag nang Pablo si Saul. Ang apostol ay ipinanganak na Hebreo pero isang mamamayang Romano. (Gaw 22:27, 28; Fil 3:5) Kaya malamang na mula pagkabata, tinatawag na siya sa Hebreong pangalan niyang Saul at sa Romanong pangalan niyang Pablo. Karaniwan lang sa mga Judio nang panahong iyon, lalo na sa mga hindi nakatira sa Israel, na magkaroon ng dalawang pangalan. (Gaw 12:12; 13:1) Ang ilang kapamilya ni Pablo ay mayroon ding Romano at Griegong pangalan. (Ro 16:7, 21) Bilang “apostol para sa ibang mga bansa,” inatasan si Pablo na ipangaral ang mabuting balita sa mga di-Judio. (Ro 11:13) Malamang na ginamit niya ang Romanong pangalan niya dahil iniisip niyang mas katanggap-tanggap ito. (Gaw 9:15; Gal 2:7, 8) Sinasabi ng ilan na ginamit niya ang kaniyang Romanong pangalan para parangalan si Sergio Paulo. Pero lumilitaw na hindi ito totoo, dahil ginamit niya pa rin ang pangalang Pablo kahit wala na siya sa Ciprus. Sinasabi naman ng iba na hindi ginamit ni Pablo ang Hebreong pangalan niya dahil ang bigkas dito ng mga Griego ay katunog ng salita nila para sa isang tao (o hayop) na mayabang maglakad.—Tingnan ang study note sa Gaw 7:58.
Pablo: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang pangalang Pauʹlos, na mula sa Latin na Paulus at nangangahulugang “Munti; Maliit,” ay ginamit nang 157 beses para tumukoy kay apostol Pablo at isang beses para tumukoy sa proconsul ng Ciprus na si Sergio Paulo.—Gaw 13:7.
-