-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ipinahayag: O “napatunayan.” Dito, sinasabi ni Pablo na napatunayang Anak ng Diyos si Jesus nang buhayin siyang muli. Sa Gaw 13:33, ipinaliwanag ni Pablo na ang pagbuhay-muli kay Jesus ay katuparan ng nakasulat sa Aw 2:7. Natupad din ang sinasabi sa talatang iyan noong bautismuhan si Jesus at sabihin ng Ama niya: “Ito ang Anak ko.”—Tingnan ang study note sa Mat 3:17.
banal na espiritu: Lit., “espiritu ng kabanalan.” Ang literal na ekspresyong Griego na ginamit dito ay kahawig ng ekspresyong Hebreo na isinaling “banal na espiritu” sa Aw 51:11 at Isa 63:10, 11 (lit., “espiritu ng [iyong o kaniyang] kabanalan”). Si Jehova ang nagpapasiya kung paano niya gagamitin ang kaniyang espiritu, o aktibong puwersa, at lagi nitong naisasakatuparan ang gusto niya. Ito ay dalisay, malinis, sagrado, at ginagamit lang para sa mabubuting gawa ng Diyos.
-