-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kabayaran para sa kasalanan: Ang salitang Griego na o·psoʹni·on ay literal na nangangahulugang “bayad; suweldo.” Sa Luc 3:14 (tingnan ang study note), tumutukoy ito sa suweldo ng isang sundalo. Sa kontekstong ito, ang kasalanan ay inihalintulad sa isang panginoon na nagpapasuweldo. Ang “kabayaran,” o suweldo, ng taong nagkakasala ay kamatayan. Kapag namatay na ang isang tao at tinanggap na niya ang kaniyang “kabayaran,” burado na ang mga kasalanan niya. Kung hindi dahil sa handog ni Jesus at sa layunin ng Diyos na bumuhay ng mga patay, wala na siyang pag-asang mabuhay muli.
regalo: O “di-sana-nararapat na regalo.” Ang salitang Griego na khaʹri·sma ay pangunahin nang tumutukoy sa isang regalo na ibinigay sa isang tao dahil sa kabaitan ng nagregalo at hindi dahil pinaghirapan niya ito o karapat-dapat siya dito. Kaugnay ito ng salitang khaʹris, na karaniwang isinasaling “walang-kapantay na kabaitan.” (Tingnan sa Glosari, “Walang-kapantay na kabaitan.”) Ang kabaitan ni Jehova sa pagbibigay niya ng kaniyang Anak bilang haing pantubos ay isang walang-kapantay na regalo, at dahil diyan, ang mga nananampalataya sa haing pantubos ni Jesus ay puwedeng tumanggap ng regalong buhay na walang hanggan.—Ju 3:16; tingnan ang Ro 5:15, 16, kung saan dalawang beses na isinaling “regalo” ang salitang Griego na khaʹri·sma.
-