-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
malaya na tayo sa Kautusan: Sa Ro 7:1-6, gumamit si Pablo ng isang ilustrasyon para ipaliwanag ang paglaya ng mga Kristiyanong Judio mula sa Kautusang Mosaiko. Natatali ang babae sa asawa niya habang nabubuhay ito, pero kung mamatay ang asawa niya, malaya na siyang mag-asawa ng iba dahil wala nang bisa ang kasal nila. Ganitong pagbabago ang nararanasan ng isang Kristiyano kapag “namatay na [siya] sa kasalanan.” (Ro 6:2, 11) Ang mga Kristiyanong Judio ay “ginawang patay sa Kautusan sa pamamagitan ng katawan ng Kristo,” na naglaan ng pantubos, para “maging pag-aari [sila] ng iba,” o ni Kristo. (Ro 7:4) Sinabi ni Pablo sa Gal 3:13 na “binili tayo ni Kristo at pinalaya mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay maging isang sumpa sa halip na tayo.” Ang indibidwal na nananampalataya kay Kristo ay namatay sa makasagisag na paraan, kaya wala na siya sa ilalim ng dating Kautusan. Puwede na siyang maging alipin ngayon ng “espiritu.” (Ro 7:6) Siyempre, ang isang tao na namatay sa ganitong paraan ay hindi naman namatay nang literal kaya makakasunod siya kay Kristo bilang alipin ng katuwiran.—Ro 6:18-20; Gal 5:1.
maging alipin: Sa isang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J18 sa Ap. C4), ang mababasa ay “maging alipin ni Jehova.”
-