-
Roma 9:22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 Kaya ano ang problema kung pinagtitiisan ng Diyos ang mga sisidlan ng poot na karapat-dapat wasakin, kahit na kalooban niyang ipakita ang kaniyang poot at kapangyarihan?
-
-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sisidlan: Ipinagpatuloy dito ni Pablo ang ilustrasyon niya tungkol sa magpapalayok. (Tingnan ang study note sa Ro 9:21.) Ang salitang Griego na skeuʹos ay literal na tumutukoy sa anumang klase ng sisidlan. Pero sa Kasulatan, madalas itong gamitin para tumukoy sa mga tao. (Gaw 9:15, tlb.; 2Ti 2:20, tlb.) Halimbawa, ang mga Kristiyano ay inihalintulad sa mga sisidlang luwad na pinagkatiwalaan ng isang mahalagang kayamanan, ang ministeryo. (2Co 4:1, 7) Sa konteksto ng Ro 9:21-23, makikita na hindi pa pinupuksa ng Diyos ang masasamang tao, o ang mga sisidlan ng poot, para maligtas ang mga wastong nakaayon. Magbibigay ito sa kanila ng sapat na panahon para mahubog ng Diyos at maging “mga sisidlan ng awa.”—Ro 9:23.
-