-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Kamuhian: Dito lang lumitaw ang terminong Griego na a·po·sty·geʹo sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Ito ay pinatinding anyo ng pandiwang Griego para sa “magalit,” kaya isinalin ito ditong “kamuhian.” Ang terminong ito ay nagpapakita ng pagkasuklam sa isang bagay.
ibigin ninyo ang: O “kumapit kayo sa.” Ang pandiwang Griego na literal na nangangahulugang “pagdikitin” ay ginamit dito sa makasagisag na paraan. Ang isang Kristiyano na may tunay na pag-ibig ay nakadikit, o nakakapit, nang husto sa mabuti at hindi na ito maihihiwalay sa personalidad niya. Ito rin ang salitang Griego na ginamit para ilarawan ang matibay na buklod ng isang mag-asawa.—Tingnan ang study note sa Mat 19:5.
-