-
1 Corinto 12:28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 At inilagay ng Diyos sa kongregasyon ang bawat isa sa mga ito: una, mga apostol;+ ikalawa, mga propeta;+ ikatlo, mga guro;+ pagkatapos, mga gumagawa ng himala;*+ pagkatapos, mga may kaloob na magpagaling;+ mga tumutulong sa iba; mga may kakayahang manguna;+ at mga nagsasalita ng iba’t ibang wika.+
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
himala: O “makapangyarihang gawa.”—Tingnan ang study note sa 1Co 12:10.
kakayahang manguna: Ang salitang Griego na ginamit dito, ky·berʹne·sis, ay nangangahulugang “pangunguna; paggabay; pamamahala; pangangasiwa.” Kailangan ng mga tagasunod ni Jesus ng mahusay na patnubay para matupad nila ang atas na “gumawa ng mga alagad mula sa mga tao ng lahat ng bansa.” (Mat 28:19, 20) Ang mga miyembro ng kongregasyon na may kakayahang manguna ay may awtoridad na magtatag ng mga bagong kongregasyon at pangasiwaan ang mga gawain ng lahat ng kongregasyon. (Gaw 15:1, 2, 27-29; 16:4) Ang terminong Griegong ito ay kaugnay ng isang pandiwa (ky·ber·naʹo) na literal na nangangahulugang “magpatakbo ng barko.” Ang kaugnay nitong pangngalan, ky·ber·neʹtes, ay ginamit nang dalawang beses sa Kristiyanong Griegong Kasulatan at isinaling “kapitan ng barko.”—Gaw 27:11; Apo 18:17.
-